Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Nag-aya ng walwalan, dalaga ginahasa

0 345

Rehas na bakal ang hinihimas ngayon ng 20-anyos na binata nang pagsamantalahan ang dalagang kaibigan matapos mag-inuman sa Quezon City, nitong Linggo ng madaling araw.

Sa report ng Payatas Bagong Silangan Police Station (PS 13), ang suspek ay si Arjay Faurillo, 20, student at taga-Barangay Bagong Silangan, QC.

Sa imbestigasyon ni PCpl Claire D Benavidez, ng Women and Children Protection Desk ng PS 13, ala-1:00 ng madaling araw (May 2) nang halayin ang 19-anyos na dalaga sa mismong tahanan nito sa Bagong Silangan, sa lungsod.
Lumalabas na inimbita ng dalaga ang suspek at isa pang kaibigan na mag-inuman sa kanilang bahay.

Nang malasing umano ang biktima ay pinaghahawakan na ni Faurillo sa maseselang bahagi ng katawan hanggang sa maisagawa ang pagnanasa.
Ayon sa biktima, hindi siya nakapanlaban dahil sa kalasingan kaya kinabukasan ay isinumbong niya sa tiyahin ang panghahalay sa kanya.

Nakapiit na ngayon ang suspek. (Dolly B. Cabreza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.