Abante Tonite Interactive

Nag-boo kay Dessa napanganga

823

Bilang isang kinikilalalang mahusay at veteran singer ng bansa, marami nang pinagdaanan si Dessa. Kabilang dito ang recognition at pagkapanalo niya sa iba’t ibang international singing competitions. Kasama rin dito ang pagkanta niya ng Philippine national anthem sa laban ni Manny Pacquiao Velasquez sa tanyag na Staples Center sa Los Angeles, California.

Ang isa pang insidente na masasabing memorable rin kay Dessa ay nang nag-front act siya sa sikat na Italian singer na si Mike Francis sa major concert nito sa Rizal Memorial Stadium. Kasi, rito ay nag-boo ang audience nang pumasok siya sa stage.

“Yes, isa iyon sa mga unang front act ko… so pagpasok ko sa stage nag-boo sila, dahil ganoon kadalasan, gusto na kasi ng audience na mapanood iyong main act,” pagbabalik-tanaw ni Dessa.

Pero tumahimik ang audience nang nagsimula na siyang kumanta. Namangha kasi sila sa powerful at pang-diva niyang boses.Napanganga na lang sila.

“Kaya imbes na three songs lang ang kakantahin ko, naging six songs dahil more sila nang more,” nakangiting kuwento ni Dessa nang mag-guest siya sa Tambayan ng Tsika, na napapanod tuwing Biyernes sa Abante Tonite website, Facebook Page at YouTube.

Incidentally, kaabang-abang ang concert nina Dessa at Hajji Alejandro titled ‘Powerhouse Valentine’, kasama ang Philippine Madrigal Singers. Directed by Calvin Neria, ito ay gaganapin sa mismong Valentine’s Day, Feb. 14 sa Monet Balroom, Novotel Manila, Araneta City. Ang dinner ay 6 pm at 8:30 pm naman ang show.

Ano ang dapat asahan sa kanilang concert ni Hajji?

Tugon ng singer na isa rin BeauteDerm ambassador, “Asahan nila sa show ang hit songs ni tito Hajii. Me, I’ll be singing one of my winning pieces sa Voice of Asia.

“Our repertoire po will be for all ages. From the people na nabuhay ng 60’s, 70’s 80’s 90’s… even pang millennials ay mayroon din po,” aniya pa.

Ang kanilang concert ay para sa benefit ng Philippine Cancer Society. (Nonie V. Nicasio)