Abante Tonite Interactive

Nag-drive nang lasing, dedo sa palayan

228

Todas ang isang lasing na rider matapos bumangga ang kanyang motorsiklo at mahulog sa rice field sa Barangay Tupok, San Fabian, Panga­sinan noong Lunes ng gabi.

Kinilala ni San Fabian Police Station (SFPS) commander P/Maj. Francisco Castillo ang biktima na si Brian Marcial, 25, ng nasabing barangay.

Sa imbestigasyon, ayon kay Castillo, galing umano ang biktima sa trabaho at dumaan sa isang birthday party ng kaibigan bago ito umuwi.

Dahil nakainom ng alak, nawalan ng kontrol sa motorsiklo ang biktima na nagresulta ng self-accident at tumama sa isang konkretong semento at nahulog sa rice field.

“Nakainom lang siya, hindi niya nakontrol ang manibela ng kanyang motor,” ani Castillo.

Dito, nagtamo ng malalalim na sugat ang biktima at nabagsakan pa ng motorsiklo sanhi ng kanyang agarang pagkamatay. (Allan Bergonia)