Abante Tonite Interactive

Nag-english: Babae pinugutan, utak kinain

568

Inaresto ang isang lalaki matapos ang ginawa nitong karumal-­dumal na krimen sa isang babae sa bayan­ ng Talisayan, Misamis Orien­tal nitong Huwebes, Disyembre 5.

Ayon sa ulat, inamin ng suspek na si Lloyd Bagtong, 21, ang pagpugot at pagkain niya sa utak ng biktima, na hindi pa batid ang pagkakakilanlan.

Natagpuan ang biktima na nakahandusay sa kalsada, may apat na kilometrong layo mula sa bahay ng suspek sa Brgy. Punta.

Pugot ang ulo ng babae at nakatali ang mga kamay. Nakasuot ito ng pantalon pero walang damit na pang-itaas.

Kalawit umano ang ginamit ni Bagtong na pangpugot sa babae kung saan inulam niya ang utak nito dahil sa gutom daw siya.

Itinapon naman niya ang bungo ng biktima sa isang butas hindi kalayuan sa kanyang bahay.

Mayroon umanong sakit sa pag-iisip ang suspek, batay sa mga naging testimonya ng mga nakakakilala kay Bagtong.

Sinabi rin umano ng suspek na pinatay niya ang biktima dahil sa pagsasalita nito ng English.

Nasa kustodiya na ng pulisya si Bagtong at nahaharap sa kasong murder. (IS)