Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Nag-selfie, Angkas rider nasalisihan

0 89

Natangayan ng P8,500 cash ang isang Angkas rider matapos masalisihan habang abala sa pagsi-selfie kamakalawa sa San Andres Sports Complex, San Andres, Malate, Maynila.

Inireklamo naman ng biktimang si Emmanuel Abalos, 31, Angkas Rider ang suspek na si Christopher Sapanza, 18, miyembro ng Bahala na Gang, na huling nakitang nakaupo sa motorsiklo ng biktima nang isabit nito ang kanyang belt bag sa motorsiklo at nakipag-selfie sa kasamahang rider.

Kasama sa natangay ang Driver’s License, mga IDs, $70 at P5K cash.

Inaresto ang suspek at kahit Nakita sa CCTV na nakaupo ito sa motorsiklo nang mawala ang belt bag ay todo tanggi ito na siya ang kumuha. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.