Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Nag-sex sa likod ng city hall dinakma

0 416

Hindi napigilan ng mainit na panahon ang pagnanasa ng isang 35-anyos na lalaki at 43-anyos na babae na nahuli sa aktong nagtatalik sa likod mismo ng Davao City Hall nitong Lunes.

Ayon sa mga awtoridad, isang empleyado ng city hall ang nakahuli sa dalawa na hindi inalintana ang matinding sikat ng araw mapagbigyan lang ang tawag ng kanilang laman.

SM food to go Banner Ad

Nang dumating sa lugar ang pulisya ay nasa gitna pa umano ng pagtatalik ang dalawa, at nang mapansin nila ang awtoridad ay parehas pa umano silang gulat na gulat at dali-daling nagsipagbihis.

Dagdag pa ng mga parak, parehas pamilyado ang dalawa. Ang lalaki ay residente ng Barangay 2-A habang ang babae naman ay nakatira sa Barangay 1-A, Poblacion District.

Hindi na pinalanganan ang dalawa ngunit sila ngayon ay nakakulong na at nahaharap sa kasong public scandal. (Mark Joven Delantar)

Leave A Reply

Your email address will not be published.