Abante Tonite Interactive

Nag-sex trip na Angkas rider, sinuspinde

0 364

Sinuspinde na ng pamunuan ng Angkas ang isa sa driver nila na nakaladkad sa pangmomolestiya ng kanyang babaeng pasahero kamakalawa sa Quezon City.

“Given the severity of the accusation, we have temporarily suspended the rider pending results of the official investigation,” ayon sa statement ng tanggapan ng Angkas kahapon.

Nauna rito’y dinakip ang Angkas driver matapos nitong halayin ang sakay na babae sa nabanggit na lungsod.

Galing sa inuman sa bahay ng kaibigan ang biktima sa Project 6, QC, at nag-book pauwi sa Eastwood. Sa halip na ihatid agad sa drop-off, pinaikot-ikot umano siya ng rider sa Katipunan at CP Garcia Sts.

Bukdo dito’y, ilang beses din siyang hininto sa madilim na bahagi ng kalsada at doo’y hi­nawakan sa maseselang parte ng katawan.

‘Di naman pinanghinaan ng loob ang biktima dahil nang makakita ng barangay tanod ay humingi ng saklolo kaya naaresto ang rider.

“We are closely coordinating and cooperating with the authorities to ensure this case is quickly resolved. If found guilty, in addition to any criminal sanctions, he will be forever banned from the platform,” paniguro naman ng Angkas.