Abante Tonite Interactive

Nag-shopping na lola, diretso sa presinto

352

Masaya sanang mag-uuwi ng mga grocery item ang isang 63-anyos na lola na dumayo pa sa Cavite upang mamili pero dinampot ito nang hindi binayaran ang pinamili at mabisto sa CCTV footage sa Imus City, Cavite.

Nakakulong ngayon sa Imus City Custodial Center ang suspek na si Myra Homeris, isang balo, taga-19 Malanting St., Amparo Gate 2, Caloocan City dahil sa reklamo ni Richard Coronado, 32, supervisor ng Puregold, Anabu Branch sa Imus City.

Sa ulat ni P/SMSgt. Elmer Pardilla, ng Imus City Police Station, alas-2:30 kamakalawa ng hapon nang pumasok ang suspek sa loob ng nasabing tindahan at nagpanggap na mamimili.

Hinakot nito ang tinatayang P4,566.25 na mga pinamiling grocery item at lumabas.

Gayunman, nakita sa CCTV ang paglabas nito na hindi nagbayad dahilan para pigilin siya at dinala sa security office bago diniretso sa police station.

Katwiran ni lola ay nakalimutan niyang magbayad pero ultimong pang-piyansa ay wala ito.

Ayon kay Pardilla, modus operandi na ng ibang kawatan na dumadayo pa sa ibang lugar para magnakaw. (Gene Adsuara)