Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Nag-suicide sa Ilocos dumami

0 109

Tumaas ang bilang ng mga naitalang nagpakamatay sa Ilocos Norte ayon sa Police Provincial Office.

Ngayong taon, nakapagtala umano ng 45 nagpakatiwakal na indibidwal, kumpara sa 32 kaso noong 2019. Sa pahayag ni INPPO information officer P/Lt. Randy C. Baoit, karamihan sa biktima ng pagpapakamatay ay mula sa bayan ng Sarrat; Banna; Pasuquin; San Nicolas; Bacarra at sa siyudad ng Laoag.

SM food to go Banner Ad

Kabilang umano sa mga dahilan nito ay problema sa pamilya, pag-ibig, depresyon at kawalan ng trabaho dahil sa pandema.

Ayon kay Baoit, dapat may koordinasyon ang community affair unit ng INPPO sa mga Police Community Relations sa bawat himpilan ng pulisya sa probinsya kasama ang Family Juvenal Gender and Development Officer ken Women’s and Children Protection Desk Officer upang patuloy na bisitahin ang mga barangay.

Sa pamamagitan umano nito ay mababantayan nila ang kaso ng pagpapakamatay na lumalala sa nasabing lalawigan. (Allan Bergonia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.