Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Nag-swimming kasabay ni `Bising’, 2 nalunod

0 275

Patay na nang matagpuan kahapon ang dalawang lalaki na naiulat na nawawala matapos tangayin ng malakas na alon sa dagat na kanilang pinagliguan nitong Martes sa Barangay San Isidro, San Francisco, Camotes Island.

Kinilala ang mga biktima na namatay sa pagkalunod na sina John Mark Gerodias, 18, at Clark Paradero, 21, kapwa taga-Purok Baring, Barangay San Franciisco.

Natagpuan ang bangkay ng mga ito alas-9:00 ng umaga kahapon sa joint retrieval operations ng Philippine Coast Guard, San Francisco Police Station, Maritime police at mga mangingisda sa bayan.

Sa ulat ni Police Corp. Aldred Bonjoc, ng San Francisco Municipal Police Station (MPS), ang dalawang biktima ay parte ng walong kalalakihan na naligo Martes ng hapon sa nasabing dagat at hindi alintana ang malalakas na alon dahil sa bagyong Bising.

Nabatid na isang malaking alon ang humampas sa grupo dahilan upang lumubog ang mga ito at mapuruhan ang dalawa. (Edwin Balasa)

Leave A Reply

Your email address will not be published.