Abante Tonite Interactive

Nag-syut sa ibang butas

570

BLIND SIDE

Kawawa naman ang koponan nitong kontrobersyal na player.

Imbes na tulungan ang kanyang koponan sa napakaimportanteng laban ay mas inuna pa ang personal na bagay na magpakasarap sa loob ng dalawang araw na sikretong kasama ang kanyang numero unong tagasuporta.

Umaasa ang kanyang koponan na makakapagtala muli ng isang makasaysayang panalo, pero nabigo ang libong mga tagasuporta dahil sa malamya niyang pinakita.

Kaya pala naging malamya dahil lubhang napagod sa sobrang pagpapakasaya at pagpili sa pamimili ng kanyang mga paboritong gadget at magagarang kasuotan.

Kilala si player sa pagiging mahusay sa iba’t ibang klase ng pagtira o pag-shoot na dahilan upang makaangat sa kanyang mga kakuwadra.

Pero dahil dalawang araw na kasama ang kanyang pangunahing tagapagsuporta, naisubo at napaglaruan nang husto ang mga paboritong istilo ni player kapalit ng pang-shopping at nakakalulang anim na pigurang allowance.

Sa ibang butas din naubos ang shooting touch ni player kaya naman ‘di ito nasandigan ng kanyang koponan. (Lito Oredo)