Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Nag-threesome sa harap ng altar, pari tinimbog

0 345

Isang pari ang inaresto makaraang maaktuhan itong nakikipagtalik sa dalawang babae sa mismong altar ng kanyang simbahan.

Isang nakasaksi ang nag-report sa mga pulis sa Pearl River, New Orleans tungkol sa aktibidad ng Louisiana priest na si Rev. Travis Clark, 37, noong Sept. 30, ayon sa ulat ng Fox News.

Nakita ng witness si Rev. Clark, na bahagyang nakabihis ng damit ng pari, habang kalampungan ang dalawang babae sa loob ng Saints Peter and Paul Roman Catholic Church.

Naglagay pa raw ng stage lighting ang mga ito at nire-record sa cellphone ang ginagawa.

Ni-record din ng witness ang nangyari at pinakita sa mga pulis.

Dinakip din ang dalawang babaeng kasama ng pari na sina Mindy Dixon, 41, at Melissa Cheng, 23. (IS)

Leave A Reply

Your email address will not be published.