Abante Tonite Interactive

Nagalit nang singilin, tinodas

By
187

Patay ang isang 47-anyos na lalaki nang pagsasaksakin ng isang lolo matapos magkainitan at magpabuno sa patalim dahil sa paniningil sa da­ting pautang kamakalawa ng hapon sa Makati City.

Hindi na umabot nang buhay sa Makati Medical Center (MMC) ang biktimang si Joel de Leon, nakatira sa Barangay San Isidro, Makati City matapos itong magtamo ng saksak sa katawan.

Habang nakakulong naman ngayon sa detention cell ng Makati City Police ang suspek na si Romeo Regalado, 61-anyos, naninirahan sa Newton St., Barangay San Isidro ng nasabing lungsod.

Base sa report ni Senior Supt. Rogelio Simon, hepe ng Makati City Police, dakong alas-2:20 ng hapon nang singilin umano ng lolong si Regalado si De Leon sa dati nitong utang na ikinagalit ng huli na kumuha ng kutsilyo at ambang sasaksakin ang matanda.

Nagpambuno ang da­lawa sa kutsilyo hanggang sa maagaw ng matanda ang patalim at sinaksak si De Leon sa katawan at kanang binti. Nasawi ito bago pa madala sa ospital, habang nadakip din agad ang suspek.