Abante Tonite Interactive

Nagbabayad ng lupa na walang kontrata

LET’S CLEAR IT

By
0 167

Hi Atty. Claire,

Good morning!

May itatanong lang po ako. May hinuhulugan po kasi akong lupa sa Laguna area pina-survey na po yun ng may-ari, ang halaga po ng lupa ay P150,000.00. Ang nahuhulog ko na po ay P50,000.00 pero wala po kaming kasulatan. Sa tuwing nagbibigay ako ng bayad may acknow­ledgement receipt po akong pinapipirmahan sa tumatanggap. Ano po ang dapat na contract para dito na panghahawakan ko? Ano po ang dapat kong gawin?

Maraming salamat po. Sana po ay matulungan niyo po ako.
Regards,
Ariane

Ms. Ariane,

Ang sobra mong pagtitiwala ay medyo nakakabahala dahil baka mauwi sa wala’t wala ang iyong pinaghihirapan.

Unang-una mong gawin ay alamin mo kung ang kausap mo na nagbebenta sa iyong lupa ay tunay na may-ari nito.

Hanapin sa may-ari ang original na titulo ng lupa upang mala­man mo kung tunay o peke ba ang titulo. Magpasama ka sa may -ari o representative Nina sa Registery of Deeds at ipakumpara ang hawak nilang titulo…. humingi ng certified true copy ng titulo upang malaman mo kung may problema ba ang titulo o wala, tulad halimbawa kung ito ay nakasanla ba o kaya ay may ibang humahabol.

Kung walang titulo ang lupa at rights lamang na maka okupa ang ibebenta sa iyo ay mahirap na ituloy mo pa ang transaksyon dahil hindi ka makakapagpatitulo ng lupa. Kaya’t alamin muna ang tunay na sitwasyon ng lupa.

Kung halimbawa naman ay may titulo ng lupa naman ang may-ari at legal ang mga papel na hawak nila ay magpagawa ka na ng Contract to Sell na pirmado ng may -ari ng lupa dahil ito ay patunay na ikaw ang bibili at hindi na dapat na ibenta pa ito sa iba hangga’t may bisa ang inyong kontrata. Huwag pumayag na pumipirma lamang ang tumatanggap ng pera dahil hindi ito sapat na mapatunayan ang planong bilihan maliban lamang kung malinaw sa pinipirmahan na ito ay bayad para sa lupa kung saan pwedeng gamiting ebidensya kung magkakaroon man kayo ng kasuhan.