Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Nagbabu sa NLEX: Baguio hirap nang makipagsabayan

0 227

Aminado si Cyrus Baguio na hindi na niya kaya ang intensidad ng mga laro para tuluyang magretiro sa incoming 46th Philippine Basketball Association 2021.

Naramdaman ng 40-anyos, 6-2 ang taas na wingman mula sa Iligan City ang mga senyales na tapos na ang karera niya sa huling sabak sa NLEX noon pang 2019 kung saan hindi na magawa ng kanyang katawan ang bilis para makipagsabayan sa mga mas batang kasamahan sa Road Warriors.

“Acceptance lang,” aniya sa The Huddle nitong Martes kaya hindi na sumama sa team sa 2020 Philippine Cup bubble sa Clark, Pampanga. “’Di ko na rin kasi kaya ang mahabang minutes. Na-try ko rin naman (longer minutes) lalo na nang ma-injured si Kevin (Alas). Tinaasan ni coach (Yeng Guiao) ang minutes ko, pero mababa ang production.”

Hindi na aniya siya nangiming magpaalam sa pamunuan ng NLEX habang nagpaplano ang Road Warriors sa magiging kampanya sa nalalapit na 46th season.

“Ini-enjoy ko na lang ang pagtulong sa team, lalo na sa mga bata,” hirit ng three-time champion at 16-year pro veteran na produkto ng Sto. Tomas Growling Tigers.

Nakatatlong taon si Skyrus sa NLEX pagkalaro sa Red Bull, Burger King, Barangay Ginebra San Miguel, Alaska Milk, at Phoenix Super LPG.

Siya’y nag-11-time All-Star, two-time Mythical Second Team, Finals MVP, Most Improved Player, Sportsmanship awardee at slamdunk champion din. (Angelito Oredo)

Leave A Reply

Your email address will not be published.