Abante Tonite Interactive

Nagbanta sa buhay ni Locsin sumuko

0 1,052

Kusang humarap ang lalaki na umano’y nagbanta sa buhay ni Angel Locsin at iba pang Kapamilya star sa National Bureau of Investigation sa Southeastern Mindanao para sumuko.

Kinilala ang lalaki na isang diver mula sa Samal, Davao del Norte, at kinontrang sa kanya umano ang nasabing Twitter account na nananakot sa mga artista ng ABS-CBN.

Matatandaan na nireklamo ni Angel ang isang netizen na NJ Abellano dahil sa tweet nito na magbabayad umano ng P200 million para siya’y mapatay, kasama pa ang ilang celeb tulad nina Coco Martin, Kathryn Bernardo at Kim Chiu.

Ang mga nasabing artista ay vocal sa kanilang opinyon hingil sa pagpapasara ng ABS-CBN.

Naglabas naman ang NBI ng pahayag na handa umano silang tumulong kela Locsin para maimbestigahan ang banta ng netizen.

“If Angel Locsin and other artists receive threats of physical harm or other means sent thru the social media and they feel these threats are serious, they have all the right to seek the assistance of the NBI so their concerns can be appropriately addressed,” ayon sa NBI.

Sinuko naman ng lalaking nadidiin sa online threat ang kanyang cellphone para masuri ng awtoridad. (RP)

Tonite – Wendys Inhouse Ad