Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Nagbantang magkakalat ng virus sinelda

0 472

Kalaboso ang isang lalaki na bumalewala sa kautusan ng pagsusuot ng face mask at nagsabi pa na kung magkakaroon siya ng coronavirus ay ikakalat ito, sa Barangay Malanday, Marikina City.

Patung-patong na kaso ang kinahaharap ni Joshua Romero y Castilar, 26, residente ng Brgy. Malanday dahil sa pagmumura at pagbabanta sa awtoridad na sumita sa kanya.

Inaresto ang suspek alas-11:20 Lunes ng umaga sa kahabaan ng Narra St. corner Chico St., ng mga tauhan ng barangay dahil nakita siyang naglalakad sa kalsada nang walang suot na face mask na malaking paglabag sa ordinansa.

Nang sinisita na ang suspek ay biglang sinabi nito na “P**ng i** niyong mga tanod, anong pakialam niyo sa akin? Gusto niyo pagpapatayin ko kayo? Wala kayong silbi, mga hinayupak kayo. Wala akong pakialam sa COVID-COVID na ‘yan. Gusto ko nga ikalat kung magkaroon ako ng COVID” na lubhang ikinabahala ng mga tanod kaya humingi na sila tulong sa Marikina Police para arestuhin at kasuhan ang suspek. (Vick Aquino)

Leave A Reply

Your email address will not be published.