Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Nagbenta ng yosi, alak online yari sa BIR

0 304

Bubusisiin ng Bureau of Internal Revenue ang libro ng mga nagbebenta online ng yosi at alak.

Ayon sa ulat, nagsasagawa na ng verification ang BIR ng bayad ng ‘excise’ o sin taxes at 12-percent value added tax ng mga digital shops.

Nais ni Finance Secretary Carlos Dominguez III ipatigil ang pagbenta online ng yosi at alak dahil maari daw makabili dito ang mga kabataan pag hindi nabantayan.

Ginamit pa ang Lazada Philippines para magdeliver ng alak sa mga lugar na may liquor ban.

Sa report ng Philippine Daily Inquirer, nag-uusap na ang Department of Trade and Industry at ang Department of Finance para makagawa ng sistema sa online selling platforms para masigurong lehitimo at rehistrado sa DTI at sa BIR ang mga nagbebenta dito at maseguro din na ang mga bumibili ay nasa tamang edad para bumili ng yosi at alak. (Eileen Mencias)

Leave A Reply

Your email address will not be published.