Abante Tonite Interactive

Nagbibilang ng pera

247

DREAM CATCHER
Dear Dream catcher,
Dalawang beses na po ako nana­ginip ng pera. Una po nagtataka po ako kung saan nanggaling ang hawak kong pera na apat na tig P500. Ang alam ko kasi, ang pera ko tig 100 lang which is hawak ko din sya. Nagising na po ako sa ganung eksena. Tapos the other day, nanaginip na naman po ako na nawala ‘yung bag ko kasama ‘yung wallet ko, naisip ko lang na nawawala pala.

Nakasakay na ako ng sasak­yan then sa panaginip ko binalikan ko sya at natagpuan ko ‘yung wallet ko na wala na mga ID’s ko pero ‘yung sinuksok kong P500 na nakatupi andon pa daw at may 3 tig P100 pa akong nakuha. Binibilang ko pa yung pera kaso nagising na ako. Ano po ibig sabihin ng mga panaginip ko?

Camille ng Bataan

Abante Hiring – IT dep

Ang panaginip tungkol sa pera ay maituturing na isa sa kadalasang napapanginip. Ang ganitong pana­ginip ay ikinukonekta sa iyong self-worth, power at kumpiyansa sa sarili. Kapag marami kang pera sa pana­ginip, puwede itong simbolo na mataas ang pagpapahalaga mo sa iyong sarili at kumpiyansa ka sa iyong mga abilidad.

Tulad sa aktuwal na buhay, ang pera sa panaginip ay simbolo ng kasaganaan, ng iyong kalagayang pinansyal at pagkakaroon ng seguridad. Ang panaginip na nakakita ka ng maraming pera ay maaari ring konektado sa isang positibong pagbabagong papasok sa iyong buhay. Sumisimbolo rin ito sa magagan­dang oportunidad na nararamdaman mong parating na.

Related Posts

Ang pera ay puwede rin namang hindi konektado sa material na bagay sa iyong buhay sa halip ay puwedeng sumisimbolo sa mga bagong oportunidad para maabot mo ang tagumpay. Kung marami kang hawak na pera sa iyong mga kamay ay indikasyon ito na naniniwala kang halos abot-kamay na lamang ang tagumpay.

Ang bahaging nagbibilang ka ng pera ay puwedeng simbolo ng pagtingin mo sa iyong sarili—kung naniniwala kang mataas ang iyong halaga at mara­ming mga kaibi­gan ang sumusuporta sa iyo.

Mas mada­ming pera ay na­ngangahulugang mas marami kang opsyon na nakikita. At nabibilang mo ito.

Sa kabuuan, maituturing na isang positibong panaginip ang iyong panaginip kung saan meron kang kontrol, self-confidence, pagsulong ng iyong career at mga oportunidad na maghahatid sa iyo ng tunay na tagumpay.

Dream Catcher

DISCLAIMER: Ang DREAM CATCHER ay nagbibigay lamang ng general information tungkol sa mga kahulugan ng ating panaginip. Wala itong kinalaman sa relihiyon, kulto o anumang ispiritwal na aspeto ng buhay. Sa mga gustong isangguni ang kanilang pana­ginip, mag-email sa abantedreamcatcher@gmail.com.