Abante Tonite Interactive

Nagbitbit ng shabu sa Pampanga mall arestado

By
1,274

Isang 56-anyos na mister ang nadakip ng pulisya makaraang makumpiskahan ng shabu at drug paraphernalia sa loob ng kanyang bag nang inspeksyunin habang papasok ng SM Downtown City sakop ng San Fernando City, Pampanga kamakalawa.

Kinilala ng pulisya ang naarestong si Enrique Manese y Balajadia, 56, may asawa at residente ng Brgy. San Isidro, Bacolor, Pampa­nga na nahaharap nga­yon sa paglabag sa Section 11 (possesion) ng RA 9165 matapos makuha sa kanyang pag-iingat ang pitong pakete ng shabu at paraphernalia.

Nabatid na papasok ng nasabing establis­yemento ang suspek nang mahuli siya sa akto ng security officers at Police Assistance Desk (PAD) na nakabase sa mall sakop ng San Fernando City, Pampanga na mayroong dalang droga at paraphernalia matapos dumaan sa routine bag inspection.

Hindi na nakapalag at nakapagreklamo ang suspek matapos na damputin siya nina PO2 Josie Simeon at PO1 Christian Linsangan bago siya ipiniit sa San Fernando City police station at kasuhan