Nagbukas ng bank account, tumaas – BSP

Tumaas ang bilang ng mga nagbubukas ng account sa mga bangko, microfinance institution at e-money issuer ngayong taon.
Ayon sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), mula 23% noong 2017 ay umakyat sa 29% noong 2019 ang mga adult na may financial account.
Batay ito sa Financial Inclusion Survey na isinagawa ng Pebrero hanggang Marso 2020.

Ang 6 porsiyentong pagtaas daw ay katumbas ng dagdag na limang milyong Pilipino na nagbukas ng account sa loob ng dalawang taon.
Isa sa nakikitang dahilan nito ang mga e-money account na tumaas sa 8% noong 2019 mula sa 1% noong 2017.
Sa kabila nito, karamihan ng Pilipino o 71% ay wala pa ring financial account. (IS)