Abante Tonite Interactive

Naghahanap ng sex

1,485
Dear Dra Holmes:
Abante Hiring – IT dep
Hiwalay n po kmi ng mister ko 10 years ago… my youngest is 20 now… ngkaroon po ako bf 6 years pero long distance… our sex life is great dahil pareho naming ginawa ang mga bagay na ‘di namin na-experienced pero wala na po kami 4 years na, now… im going 45 na pero bakit po naghahanap ng sex… nangyayari nga po na nagsasarili na ako halos bago matulog… minsan nakakada­lawa pa nga akong tapos… sakit na po ba ito? I tried to have sex with someone pero ‘di naman po ako natatapos… ‘di naman po ako nasa-satisfied sa ginagawa sa akin… abnormal po ba ito? Minsan nga po ngbabad na ko sa paliligo para mabawasan ang na­raramdaman ko… naguguluhan po ako… Salamat po kung ako’y inyong papaliwanagan… Janet

 

 

Dearest Janet:
Maraming salamat sa sulat mo. Una, hindi sakit ang maghanap ng sex, lalo na pagkatapos ng isang relasyon (o mga relasyon) na maganda at masarap ang sex na naranas mo.

 

Para bang ice cream na kinasanayan mong makain gabi-gabi, tapos nawala bigla. Siyempre mami-miss mo rin ito, ‘di ba, Janet? Kagaya ng sex na nami-miss mo ngayon pero sana mas masarap ang sex. (joke only).

 

Normal rin na mayroong mga lalakeng mas magaling magromansa para sa iyo kaysa sa iba. At na hindi ka masiyahan sa ginagawa, at ‘di ka rin makatapos, sa isang lala­keng hindi marunong mahanap ang iyong kiliti.
Finally, hindi abnormal ang mag-masturbate, lalo na kung bitin ka sa partner mo. Ang aking wish lang para sa iyo, ay makahanap ka ng ibang paraan para maraos, para hindi ka kailangang magbabad sa paliligo para mabawasan ang nararamdaman mo.
At tila ‘yan nga ang nangyari, ‘di ba, Janet? May permiso ba akong i-share ko ito sa ating tagabasa rito sa Tonite?
Hihintayin ko ang iyong sagot sa permiso. Ingat—MG Holmes
Facebook: http://www.facebook.com/drmargieholmes at panoorin siya sa Walang Echos sa Abante Tonite facebook tuwing Huwebes, 7:00 pm.