Abante Tonite Interactive

Nagharap sa mainit na tasa ng lugaw

By
684

Mas madalas, tinatangka ng mga lalaki na maresolba ang isang sensitibong usapin sa maboboteng usapan. Mas maraming natutumbang bote, mas mainam para lalong dumulas ang dila at magkalabasan ng mga hinanakit.

Pero ibang klase itong si National Capital Region Police Office (NCRPO) Director Guillermo Elea­zar, mainit na tasa ng lugaw at hindi malamig na agua de pampataranta ang itinapat niya sa lider ng mga demonstrador na si Renato Reyes upang makipagkasundo na gawing mapaya­pa ang kanilang mga kilos-protesta laban sa ikatlong State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte noong nakaraang linggo.

‘Yung parehong macho, nagmemeryenda ng mainit na lugaw sa gilid-gilid na kainan sa Batasan habang nagkakasundo para sa isang mapayapang kilos-protesta.

Abante Hiring – IT dep

Resulta? Naging tahimik ang pangkalahatang demons­trasyon ng mga anti-Duterte group. At salamat kay Gen. Eleazar dahil wala tayong nasaksihang mararahas na komprontasyon sa pagitan ng mga anti-PRRD at mga awtoridad.

May sadyang husay at galing ang Mamang Pulis na ito. May palabra de honor kaya nagtiwala ang mga raliyista. Gaya ng napagkasunduan nila, walang mga sukbit na baril ang mga pulis at wala ring fire truck na haharang sa mga nagpoprotesta.

Ala eh, hindi po tayo magtataka kung higit pa sa NCRPO ang kalalagyan ni Gen. Eleazar!

***

Marami ang hindi pabor sa bagong hepe ng Manila Health Department (MHD) na si Dr. Aileen Lacsamana.

May yabang daw sa katawan at laging nakataas-noo ‘pag nag­lalakad ang aleng ito.

Kaya tuloy pakiramdam daw ng mga empleyado eh hindi ito sinsero sa kanyang posisyon.

Eh paano ba naman, hindi raw nila makitaan ng kalinga. In short, wala po bang malasakit sa mga Manilenyo? Naku ayaw ni Mayor Erap ng ganyan. Eh maka-mahirap pa naman si Mayor ‘di ba?

Eh bakit nga ba ganito itong si Doc? Ang sitsit sa city hall, naipuwesto lang naman ito dahil sa kasisipsip ng kanyang asawang konsehal na si Rod Lacsamana.

Si Lacsamana ang isa sa mga konsehal na teribleng bumulong kay Mayor Erap. In short ulit, taga-ngatngat ba ng tenga ni Mayor?

Naku Ingat lang po Mayor Erap, loyal po itong si Lacsamana sa isa sa magiging katunggali ninyo sa susunod na eleksiyon. Pakitsek nga po sa inyong mga bataan ang tsismis na nakipag-miting na nga itong si Konsehal sa dati niyang amo.

Paktay tayo diyan. Lagot po ‘pag may natisod na impormasyon si Mayor Erap.