Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Naghugas ng kaldero sa ilog, tigok

0 56

TODAS ang isang 20-anyos na lalaki matapos malunod habang naghuhugas ng kaldero sa Chico River, Cagayan kamakalawa.

Ayon sa Municipal Disaster Reduction Risk Management Office (MRRDMO) ng Cagayan, naganap ang insidente alas-12:05 ng tanghali sa Chico River sa nasabing lalawigan.

Sinabi ng Cagayan Police Provincial Office (CPPO) ang biktima ay nagpunta sa nasabing ilog kasama ang kanyang pinsan para maghugas ng kaldero.

SM food to go Banner Ad

Ayon sa pulisya, tumawid pa raw ang biktima sa ilog papunta sa kalapit na barangay at pagbalik, napunta siya sa malalim na parte dahilan ng kanyang pagkalunod.

Ayon sa MDRRMO, sa lakas ng agos ng tubig hindi na rin nasagip ng kanyang mga kasama ang biktima at namatay ito bago dumating ng ospital. (Allan Bergonia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.