Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Naging bahagi ako ng ‘My Day’

0 106

Kamakailan ay nagkaroon ng pagkakataon na mag photoshoot ang dalawang cast ng isa sa mga top BL series sa YouTube channel ang ” My Day”. Ang “My Day” ay pinagbibidahan ng dalawang baguhang artista na sina Miko Gallardo at Aki Torres na ngayon ay namamayagpag sa digital platform.

Ang Boys love Series na ito ay namamayagpag ngayon sa You Tube Channel tulad ng Gameboys and Hello Strangers.

Nakasama ng inyong lingkod sa photoshoot ay sina Aki Torres na Isa sa lead cast at si Darrell Castillo na isa rin sa mga cast. Alas singko na ng hapon nagsimula ang photoshoot at natapos namin ito ng dalawang oras.

Ang magaling na fashion photographer na si Erick Isaac ang kumuha ng mga litrato na gagamiting materyal sa promosyon ng “My Day” Series.

Mabilis lamang natapos ngunit maganda naman ang kinalabasan ng mga pictures.

Ang inyong lingkod and fashion designer na gumawa ng kanilang kasuotan at sya ring stylist. Tingnan ang mga larawan ng natapos na photoshoot na ginawa sa RHM Style Studio Unit 103 Ground Floor JMJ Bldg, P. Sanchez St, Santa Mesa, Manila, Metro Manila.

Si Aki Torres ay isang kilalang social media influencer ay kamakailan lamang nag-sign ng contract para maging brand ambassador ng isKin Aesthetic Lifestyle kung saan ang inyong lingkod ay isa rin brand influencer ng nasabing beauty and Aesthetic clinic.

Leave A Reply

Your email address will not be published.