Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Nagipit sa pera, kelot nagpakamatay

0 120

Dahil umano sa prob­lemang pinansyal kaya winakasan ng isang lala­ki ang kanyang buhay sa Dasmariñas City, Cavite, Martes ng umaga.

Kinilala ang biktima na 56-anyos na hiwalay sa asawa, ng Brgy. Burol Main, Dasmariñas City.

Sa ulat ni P/SSgt. Richard Domingo ng Dasmariñas City Police Station, dakong alas-9:00, kamakalawa ng umaga, nang madiskubre ng katulong ang biktima na wala nang buhay sa loob ng kanilang bahay.

Sa imbestigasyon ng pulisya, nadatnan ang biktima na nakabulagta sa flooring ng bahay ha­bang ang mukha nito ay nakaharap sa bakal na hagdanan at may na­kapulupot na electrical cord sa leeg.

Ayon sa kapatid, nakararanas umano ng problemang pinansiyal ang biktima.

Tumanggi rin ang pamilya na isailalim sa autopsy examination ang katawan ng biktima dahil naniniwala silang walang naganap na foul play sa pagkamatay nito.

Samantala, may ni­lunsad na hotline para sa mga Pinoy na may tanong tungkol sa men­tal health, kailangan ng counseling, may kina­haharap na suliranin, o nanganganib mag-suicide.

Maaaring tawagan ang National Center for Mental Health 24/7 crisis hotlines sa cellphone (0917-899-8727) o telepono (7989-8727 o 1553). (Gene Adsuara)

Leave A Reply

Your email address will not be published.