Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Nagising sa Naglalarong mga Multo

0 144

Mga ka-Misteryo nabulabog ba kayo isang hatinggabi na may marinig kayong naglalarong multo?

Yan ang paksa natin ngayon: “Basta may Misteryo, Alamin ang Totoo!”

Sa kuwento ni Mark ng Pasig, alas-2 ng madaling araw nang magising siya sa hagikgikan ng mga bata sa isang playground ng kanilang subdivision. Noong una ayaw niyang bumangon sa pag-aakalang nakatuwaan lang ng mga bata na maglaro sa disoras ng gabi.

Misteryo: “Akala mo talaga mga totoong bata yung naglalaro?”

Mark: “Oo pero parang nananadya sila hindi ako makatulog uli pagkagising ko.”

Misteryo: “Anong ginawa mo? Hindi ka ba nakatiis? Tinignan mo?”

Mark: “Yes! Tinignan ko kasi kitang kita naman ang playground sa labas ng bahay ko.”

Misteryo: “Anong nakita mo? Natakot ka ba? Ano hitsura nila? Ilan silang bata na naglalaro?”

Related Posts
SM food to go Banner Ad

Mark: “Nakita ko mga bata nga sila. Tatlo sila. Isang lalaki dalawang babae. Pero nagtataka ako transparent hitsura nila kaya sa madaling salita multo o ghosts sila.”

Misteryo: “Anong ginawa mo pagkakita mo sa kanila? Naisip mo bang kunan ng photo?”

Mark: “Hindi ko na naisip kunan ng picture. Nakatulala ako. I can’t believe makakita ako ng mumu•

Misteryo: “Sayang hindi mo nakunan ng photo. Anong sumunod na nangyari? Ano ba nilalaro nila?”

Mark: “See-saw ba tawag doon yun ang nilalaro nila. Naka-dress yung dalawang batang babae at yung batang lalaki naka-suit pa. Parang mga anak-mayaman•

Misteryo: “Hindi ka ba nila napansin? Baka alam nila pinanonood mo sila? Gaano katagal ang encounter mo with them?”

Mark: “I think more than a minute. Hindi ata nila ako napansin. Pagkatapos nun nag-fade na sila. Unti-unti silang nawala.”

Kayo baka makakita rin kayo ng biglang sulpot na mga multo sa paligid. Subukin niyong kunan ng litrato o photo at isangguni sa Misteryo. Para sa inyong mga kuwentong karanasan ng kababalaghan, mag-email sa misteryophilnet@gmail.com. Bisitahin ang www.reytsibayan.com at abante.com.ph.

Leave A Reply

Your email address will not be published.