Abante Tonite Interactive

Nagising sa nakabibinging tunog

324

Mga ka-Misteryo bigla ba kayong nagising sa naka­bibinging tunog sa inyong tenga? Biglang sagi sa isip mo kung may problema na ba ang tenga mo.

‘Yan ang ating paksa ngayon: “Basta may Misteryo, Alamin ang Totoo!”
Biglang bangon sa kanyang pagkakahimbing si Bobby ng Mandaluyong nang magising siya sa nakabibinging tunog na nanuot sa kanyang tenga at pagsakit ng kanyang ulo.

Pagkabangon ay pinakiramdamang mabuti ni Bobby ang buong pali­gid sa akalang sa isang makina nagmula ang nakabibi­nging tunog… pero wala siyang nakita.
Dumungaw sa bintana si Bobby at nagulat siya sa kanyang nakita. Iyan ang inusisang mabuti ng #Misteryo.

Misteryo: “Ano ang nakita mo pagdungaw mo sa bintana ninyo? ‘Yon ba ang pinagmulan ng nakabibi­nging tunog?”

Bobby: “Hindi ko mawari kung namamalikmata ako kasi hindi ko malinaw na nakita pero parang may nakalutang sa tuktok ng bahay namin. May nakita akong hugis na paikot pero palaisipan talaga sa akin.”

Misteryo: “Ano ‘yon para bang naka-cloak o invisible na nakalutang? Hindi naman kaya hindi ka pa masyadong gising? May ganon kasing tao ‘yong naa­limpungatan sa pagkaka­tulog parang may ilusyong nakikita sa paligid. Sensya na kailangan lang natin alamin ang detalye ng nakita mo.”

Bobby: “No problem pero alam ko gising na ako at totoo ang nakita ko. Para ngang invisible na hugis pabilog ang nakalutang. Hindi naman kaya UFO na invisible ang nakita ko? Wala akong idea sa ganyang bagay kayo sa Misteryo ang nakakaalam niyan.”

Misteryo: “Well based sa research namin, karamihan ng UFOs ay naka-cloak o invisible kaya bihirang makita ng naked eye. Mukhang UFO nga ‘yong nakita mo kasi isa rin ‘yan sa palatandaan ng presence nila maging ang high-pitch sound. After mo narinig ‘yon wala ka ng na­rinig o nakita pa.”

Bobby: “Okay so UFO ‘yong nakita ko. Wala na akong nakita pa o narinig after ng encounter. Sana ‘wag na sila magpakita baka matakot ako haha.”

Bihira ang ganitong karanasan sa ngayon pero mukhang nagpaparamdam na naman ang mga UFO or extraterrestrial. May kinalaman kaya ito sa mga nangyayari ngayon sa pla­net? Kayo po ang humusga.

Para sa inyong mga kuwentong karanasan, mag-email sa TeamMisteryo2019@gmail.com. Bisitahin ang www.reytsibayan.com at abante.com.ph.