Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Nagkukumahog magpabakuna vs COVID

0 44

Noong paunti-punti pa lang ang pagdating ng bakuna laban sa coronavirus disease, marami ang nag-alangan. Marami akong kakilala na ayaw magpabakuna, na kesyo baka makasama raw sa kanilang kalusugan.

Kasi ba naman, nagkalat ang fake news sa social media tungkol sa negatibong epekto ng vaccine na ito sa kalusugan ng tao. Makikita mo naman na fake news dahil hindi mo naman kilala kung sino ang gumawa ng artikulo, kumbaga hindi credible ang source ng information

Ang ilan naman sa mga kakilala ko, mga kamag-anak at kaibigan naniniwala agad na hindi man lang sinusuri  kung totoo o hindi. Yun ang nakakainis sa social media. Kapag nabasa agad ng tao, may ilang agad na naniniwala at kadalasa’y hindi nagbabago ang kanilang paniniwala.

Mas maniniwala pa nga sila sa fake news sa social media kesa sa balitan mula sa lehitimong mga news network. Well, siguro nagkulang din siguro ang gobyerno dahil rin masyadong nagsagawa ng information campaign tungkol sa magandang idudulot ng bakuna laban sa COVID-19.

Sa urban areas siguro, medyo aware ang mga tao, updated sila pero iyong nasa rural areas o iyong mga nasa kanayunan, malamang hindi sila properly informed at nakakarating sa kanila, iyong mga pekeng balita.

Iyong iba sa ating mga kababayan, kahit bumuhos na ang dating mga iba’t ibang brand ng vaccine vs COVID-19 eh ayaw pa ring magpalista para magpabakuna.

Siguro maaring tamad lang silang pumili dahil nga naman kahit umaga ka nasa pila eh aabutin ka ng lima hanggang walong oras bago maturukan. Iyong iba siguro naiinip dahil marami pa silang gagawin.

Buti na lang ang local government units, naglagay ng maraming vaccination centers sa kanilang lugar kaya bumilis ang vaccine rollout. May ilan kasi hindi na kailangan magpalista para ma-iskedyul sa bakuna. Pwede na kasi walk in.

Pero kahit andyan na ang bakuna, marami pa rin ang ayaw magpabakuna. Sadyang matigas ang ulo. Buo pa rin ang paniwala na maynegatibong epekto daw ang bakuna sa kanilang kalusugan.

At ngayong isa nang requirement ang vaccine card sa mga establishment, ayun ang matitigas ang ulong magpapabakuna, ayun nagkukumahog sa pagpila para mabakuna laban sa virus.

Kung hindi pa sumirit muli ang kaso ng virus bukod sa requirement na rin ang vaccine card sa establishments, hindi magpapabakuna itong ating mga kababayan.

Dahil nang gusto magpabakuna, naudlot naman ang pagpapa-booster ng ilan. Tulad dito sa amin kung saan itinigil muna ang pagbakuna ng booster para bigyang daan ang mga gustong maka-avail ng first dose ng bakuna.

Ganyan ang ilan sa ating mga Pinoy. Kung kelan malalala doon pa lang kikilos para magpabakuna. Ang buhay nga naman.

Leave A Reply

Your email address will not be published.