Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Nagkunwaring patay! 4 arestado sa pag-prank

0 65

Nakarma ang apat na lalaki na nang-prank ng mga napapadaang tao sa Barangay Paso De Blas, Valenzuela City.

Isang lalaki ang nagpatay-patayan sa loob ng sako nitong Linggo, habang bini-videohan ng iba pa niyang kasama ang reaksyon ng mga napapadaan kapag nakikita ang sakong may laman na tao.

Isang concerned citizen naman ang nag-report nito sa nagpapatrolyang kapulisan. Doon nadiskubre ng mga pulis si Mark Francis Habagat, 20, habang nasa loob ng sako.

Dinakip siya kasama ang mga kasabwat na sina Mark Aldrin Arce, 20; Chris Bayron, 20; at Wynzel Tan, 19.

Inamin ng mga suspek na gusto nilang i-prank ang mga nagdadaan at ia-upload ito sa social media. Mahaharap ang apat sa mga kasong alarm and scandal.

Inisyuhan din sila ng Ordinance Violation Receipt dahil sa paglabag sa City Ordinance No. 673 (social distancing) at mandatory use ng quarantine pass. (Issa Santiago)

Leave A Reply

Your email address will not be published.