Abante Tonite Interactive

Nagladlad na aktor iniwasan ng barkada

621

Noong araw barakong-ba­rako ang aktor na ito. Ta­lagang mahilig sa chicks. Pero ngayon ay tumatanggap ng gay roles sa pelikula.

Sa grupo nila, si aktor daw ang pambato noon dahil siya ang pinakagwapo at magaling mambola ng chicks. Mabilis niyang mapasagot ang mga ito.

Pero nang tumatanggap na ng gay role si aktor, may kakaibang napapansin ang kanyang mga barkadang lalaki.

Mukhang nasobrahan yata sa internalization ang kanilang kaibigan. Kapag nakakausap nila ito ay may napapansin sila na kung ano-ano.

Naging malamya na raw ang boses nito. Pumipilantik na raw ang mga kamay gayong dati ay bruskong-brusko ito.

Noong una, akala nila ay binibiro lang sila ni aktor pero sa susunod nilang pagkikita ay ganun pa rin ang mga nuances nito.

Nakakaalarma na kaya kapag niyayaya sila ni aktor ay nagdadahilan na sila.
Hindi naman daw sila mga homophobic pero hindi lang daw nila matatanggap na bumigay na ang pambato nila sa chicks.

Ang iba ay isinisisi sa pagtanggap niya ng gay role. (Timmy Basil)