Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Naglakwatsang totoy, nalunod

0 172

PATAY ang 12-anyos na batang lalaki matapos malunod sa Malued River, Dagupam City noong Sabado.

Sinabi ni Dagupan City Police Station (DCPS) duty officer P/Lt. Allan Reoliquio, hindi muna pinangalanan ang biktima dahil menor-de-edad pa ito.

Sa police report, ayon na rin kay Reoliquio, pumunta umano ang biktima sa ilog kasama ang dalawang kaibigan upang maligo.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Napag-alaman na hindi umano nagpaalam ang biktima sa kanyang magulang na pupunta sa ilog.

Habang lumalangoy, ayon sa pulisya ay napadpad ang biktima sa malalim na parte ng ilog at sa lakas ng agos ay tuluyan na siyang nilamon ng tubig.

Narekober ng mga rescue team ang katawan ng bata di kalayuan sa pinangyarihan ng insidente. (Allan Bergonia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.