Abante Tonite Interactive

Naglalaba sa panaginip

127

Napanaginipan kong naglalaba raw ako ng ­aking mga damit. Sa pana­ginip ko, parang ramdam na ramdam ko ang lamig ng tubig at parang amoy ko pa ang ­sabon.

Tumayo raw ako dahil naiihi ako at doon na ako nagising dahil sa ­aktuwal na buhay ay naiihi na ­talaga ako.

Ang panaginip tungkol sa paglalaba ng damit ay indikasyon na sa aktuwal na buhay ay sanay ka ring linisin ang anumang problema ng buhay.

Indikasyon din ito na kung may gumugulo sa isip mo at may tensyon kang nararamdaman ay sanay kang sabihin ito para makipaglinawan.

Ang iyong panaginip ay indikasyon din na merong kang pinagdaraanang isyu tungkol sa iyong status sa buhay.

Pag-aralan ang iyong sitwasyon at alamin kung meron kang pinagdaraa­nan kung saan sa tingin mo ay hindi ka nakakakuha ng karapat-dapat na respeto. Kung meron kang ganitong pinagdaraanan o maaaring napagdaanan, dito maikokonek ang iyong panaginip na gustong burahin at linisin ang lahat ng mga itinutu­ring mong problema.

Maging ang bahagi ng iyong panaginip kung saan nababasa ng tubig ang iyong mga paa ay konektado rin sa ‘pagli­linis’ o cleansing.

Ang naramdaman mong malamig na tubig ay nagpapakita naman ng emosyon.

Dahil malamig ang tubig, medyo emotionally detached ka sa anumang isyu. Kalmado ka lamang sa pagharap sa isyu at walang pagkapikon.

Pero nais mo ngang magkalinawan at mailagay sa ayos ang anumang pinagdaraanan.

Kapag naglalaba, kadalasang nanggagaling sa gripo ang tubig maliban na lamang kung sa ilog o batis ka nagla­laba.

Kung sa gripo nagmumula ang malamig na tubig, indikasyon naman ito na kaya mong kontrolin ang emosyon. Tulad ng gripo na puwedeng patayin at muling ibukas, ang iyong emosyon ay kaya mong hawakan.

Sa kabuuan, wala namang negatibong indikasyon ang iyong panaginip. Maaari itong gami­ting basehan sa mga gusto mong gawin sa buhay.

Kung ito nga ay paglilinaw ng isang isyung nakakagulo sa iyo, gawin ito sa kalmadong paraan para maiwasan ang anumang hindi pagkakaunawaan.

***

DISCLAIMER: Ang DREAM CATCHER ay nagbibigay lamang ng general information tungkol sa mga kahulugan ng ating panaginip.

Wala itong kinalaman sa relihiyon, kulto o anumang ispiritwal na aspeto ng buhay. Sa mga gustong isangguni ang kanilang panaginip, mag-email sa abantedreamcatcher@gmail.com.