Abante Tonite Interactive

Naglihi sa singkamas, pinya; Cristine nabuking ang ‘umbok’ ni Nathalie

By
6,067

Penelope ang name ng magiging anak ng 4 month pregnant na si Nathalie Hart.

Gustong-gusto raw kasi ng dad niya ang name na Penelope, kaya ‘yun ang napili niyang ipangalan sa baby girl niya na sa January 2019 ang due date.

Ang ama ng bata ay ang New Delhi-based Indian boyfriend ni Nathalie na si Mayank Sharma, na nakilala niya sa wedding ng isang classmate niya sa India nu’ng December last year.

Ipinakita sa amin ni Nat ang picture ng kanyang boyfie na 6’1” ang height at sabi namin sa kanya ay mukha itong Bollywood actor.

25-anyos si Mayank, na nagwo-work for his father na nasa real estate business. Sweet, mabait, maalaga at very gentleman ang des­cription ni Nat sa kanyang foreigner BF.

Natawa si Nathalie nang itanong namin kung ‘daks’ ba ang nobyo niyang afam. Natatawang hirit niya, baka ‘yun nga raw ang dahilan kung bakit nabuntis siya agad.

Bago pa na-preggers ang 26-anyos na sexy actress ay plano na nilang magpakasal sa December.

Tuloy pa rin ang civil wedding nila na ‘yon sa Sydney, Australia sa December. Doon gustong manganak ng Aussie citizen na si Nat dahil libre raw lahat at nandu’n ang mom niya, na excited na sa paglabas ng baby niya dahil unang apo ito.

Pagkapanganak ay babalik sila rito sa ‘Pinas, tapos ay next year ang kanilang big Hindu wedding sa India.

First week of May pa lang ay alam na ng leading lady ni Zanjoe Marudo sa ‘Kusina Kings’ na buntis siya.

Ang co-star niya sa ‘The Bitch Wedding (Abay Babes)’ na si Cristine Reyes ang unan­g nakapansin nito dahil iba ang laki ng boobs niya.

Tinanong siya ni Cristine kung pinagawa niya ba ‘yon o kung buntis siya. Smile lang ang Nathalie dahil hindi niya alam kung anong sasabihin niya.

‘Yung dating size 34 cup B niyang boobs, ngayon ay 36-C na dahil may gatas na ito bilang nasa 2nd trimester na siya.

Malamang na-weirduhan din daw sa kanya si Cristine dahil ang lagi niyang tanong dito ay tungkol sa pagbubuntis at sa anak nito, habang ‘yung ibang girls ay tungkol sa gimik o boyfriend ang mga tanong.

Nag-swimsuit sila sa photo shoot ng ‘The Bitch Wedding’ kaya high-waisted na swimsuit ang sinuot niya. Nahalata ni Cristine ang umuumbok niyang baby bump, pero ngu­miti lang siya rito at hindi pa rin siya nag-confirm o nag-deny.

In fairness ay sila raw ni Cristine ang close sa cast ng ‘Abay Babes’ dahil gusto niya itong kausap. Bilib din siya kay Cristine dahil parang pareho sila ng ugali at medyo pareho silang taklesa.

Showing na sa mga sinehan ang ‘Kusina Kings’ with Zanjoe & Empoy at later this year ipapalabas ang ‘The Bitch Wedding’.

Matatapos ni Nathalie ang remake ng ‘Patayin sa Sindak si Barbara’ with Mariel de Leon kahit preggy siya. Siyam na pelikula pa ang gagawin niya sa 5-year contract na pinirmahan niya sa Viva.

Singkamas at pinya ang pinaglilihian ni Nat, na umaasang makakabalik pa siya sa showbiz kahit magkaasawa’t anak na siya.