Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Nagmaoy na tomador, tinarakan

0 311

Patay ang 23-anyos na lalaki nang saksakin ng kanyang amo dahil sa pangungulit diumano nito sa kanilang inuman sa Tondo, Maynila kamakalawa.

Sa imbestigasyon ng Manila Police District-homicide section, nakilala ang biktimang si John Carlo Aguila na nasawi dahil sa mga saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Nakatakas naman ang suspek na si Jayson Omega, 25, negosyante.

SM food to go Banner Ad

Naganap umano ang insidente alas-10:30 ng gabi sa sa loob ng bahay ng suspek kung saan nag-iinuman ang suspek at biktima, kasama ang tatlong iba pa.

Nang malasing na ay naging makulit umano si Aguila hanggang nauwi sa pakikipagtalo sa manok na inaalagaan nito.
Nabatid na may puwesto ng paninda sa Divisoria ang suspek at alalay nito ang biktima na tagapag-alaga rin ng mga manok. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.