Abante Tonite Interactive

Vice, Regine nilampaso sina James, Moira

782

Nagmukhang engot

Ni: Dominic Rea

Nagmukhang tanga sina Moira Dela Torre at James Reid. Umariba naman sa komento sina Regine Velasquez at Vice Ganda sa napanood na­ming pilot episode ng “Idol Philippines” last Sunday sa ABS-CBN 2.

Parang isinalang lang na guest sa panel of judges ang dalawa na nu’ng malaman naming parte sila ng reality singing search ay marami ang kumuwestiyon.

“Bakit? Ano na bang napatunayan ng Moira na ‘yan para maging judge sa isang world class reality show like ‘Idol’? Kakaloka ang ABS huh!” talak ng isang kaibigan na isang manunulat din.

“Si James mukhang engot lang! Kakaloka! Hindi bagay sa kanya ang nakaupo roon. Hindi pa sila institusyon sa mundo ng musika ni Moira para isalpak ng management sa ganoong tipo ng show,” galit pang tiktak ng isang kasamahan.

Inilalampaso talaga nina Regine at Vice sina Moira at James. Parehong talakitok ang bunganga ng dalawa na tunay namang may napatunayan na sa mundo ng showbiz!

Dapat daw ang inilagay sa show ay sina Jed Madela, Zsa Zsa Padilla, Martin Nievera at Kuh Ledesma!