Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Nagmukhang pambala sa kanyon: Kim tinawag na ‘bobo’, ‘lutang’

0 109

NI: CRISTY S. FERMIN

Eksaktong isang linggo na lang mula ngayon ay gaganapin na ang “paghuhukom” sa mundo ng mga politiko. Sa ayaw at sa gusto nila ay araw na ng pagdedesisyon ng ating mga kababayan kung sino ba talaga ang kanilang napupusuang iluklok sa Palasyo.

Asahan na nating kung may kampong magbubunyi ay meron ding mga sisigaw para sabihing nadaya sila. Lagi nating tatandaan na walang Pilipinong politikong natatalo kundi nadadaya lang daw.

Mas lumalapit ang Mayo 9 ay mas umiinit din ang mga patutsadahan ng iba-ibang kampo. May mga artistang nag-aaway-away dahil sa pagpaparinigan, palakain ng patola ang marami sa kanila, kaya napipikon at sagot nang sagot.

Pinaglalaruan ngayon sa social media si Kim Chiu. Ewan kung sinasadya na nga ba ng pamosong aktres ang pagkukunwaring wala siyang alam para lang siya mapag-usapan o talagang hindi abot ng kanyang isip ang mga tanong na ibinabato niya.

Nililibak si Kim ngayon dahil sa terminong spokesman. Bakit daw ang tagapagsalita ng politiko ang sumasagot at nagsasalita, bakit daw hindi ang politiko mismo, tama raw ba ‘yon?

Mababaw kung sa mababaw ang kanyang tanong na naghahanap ng sagot, pero pinatulan siya ng mga bashers, tinawag siyang bobo at lutang.

Hindi pa nga namin nasakyan ang salitang “biobio” nu’ng una, pero bagong pauso pala ‘yon para sa salitang bobo, na ipinatutungkol ng mga bashers kay Kim Chiu.

Sabi ng isang kaibigan namin, “Sus naman! Sa age ngayon ni Kim, e, hindi pa ba niya alam kung ano ang spokesman? Actually, ang ginawa niya, e, subliminal, bira niya ‘yon sa politikong kalaban ng minamanok niya!

“Huwag sana niya pinapasok ang ganyan na nagmimistula siyang tanga! Sa pagtatanggol sa pangulong gusto niya, e, siya tuloy ang parang pambala sa kanyon na hindi naman dapat!” sabi ng aming kausap.

Leave A Reply

Your email address will not be published.