Abante Tonite Interactive

Nagnotaryo ng SPA tuntunin

440

Hi Attorney,

Magandang umaga po. Kumusta po? Meron po sana akong gustong isangguni sa inyo.

May isang property po kasi na sinangla sa amin thru SPA (Special Power of Attorney). It’s been more than 5 years na po siya, ngayon gusto ko na ma-foreclosed at marami na pong legal process na pinagdadaanan like publishing, informing the owner, etc. etc.

Now, nag-lapse na po `yong one year to redeem ayon sa batas pero ang may-ari po ng property ay pilit na sinasabi na fake daw ang SPA na hawak naming. Ang advice po ng sheriff na kumuha po ng certified thru copy po ng SPA pero unfortunately e wala pong record na makita.

Ano po ang gagawin namin kasi nag-counter charge po thru PAO (Public Attorney’s Office) ang mmay-ari ng lupa ng fake nga daw po `yong SPA na hawak namin.

Please advise us.

Alison

Alison,

Ibig mong sabihin ay na-foreclose mo na ito at napaso na ang redemption period.

Unang tanong ko ay kung nasa inyo ba ang original na title ng property? Sino ang binigyan niya ng authority to mortgage (magsanla)? Nasaan `yong may-ari? Nasa Pilipinas ba o nasa ibang bansa?

Sa nakikita ko sa kwento mo ay may alam naman ang may-ari sa sanlaang iyan? Malamang na nakinabang naman sila sa pera mo lalo na kung hawak mo ang titulo ng lupa sa loob ng limang taon. Bihira naman sa may-ari na hindi hawak ang titulo ng kanyang lupa. Hindi naman yata niya pinapalabas na loss ng title kaya’t malamang na may alam siya sa utangan at sanlaan ng titulo.

Una mong gawin ay hanapin mo `yong notaryo publiko na nagnotaryo ng SPA. Hanapin mo sa Office of the Notarial Section kung may pinasa ba na kopya ng SPA sa opisina nila. Halimbawang walang kopya ay hindi ibig sabihin na peke ang SPA dahil may mga notaryo publiko na hindi na nagpapasa ng mga dokumentong nanotaryo nila at hindi mo kasalanan kung walang kopya sa Notarial Section.

Kung tapos na ang redemption period matapos na masubasta (foreclose) ay magsampa ka na ng petition para madeklara ang final bill of sale o para magkaroon ng consolidation of ownership. At `pag natapos na ay saka mo patituluhan sa pangalan mo ang nasabing ari-arian.

***

Kung may katanungan pa ay tumawag lamang sa 8922-0245 o 8514-2143 o mag-email sa attorneyclaire@gmail.com.

Tonite – Wendys Inhouse Ad