Abante Tonite
Mabilis sa Balita

`Nagoyo’ hacker sampol pa lang!

0 182

Maaaring isang `rehearsal’ sa mas malaking cyber attack ang pag-hack ng nasa 700 account sa Banco de Oro (BDO), ayon sa isang mambabatas.

Sinabi ni Anakalusugan party-list Rep. Mike Defensor na hindi maaaring alisin ng mga awtoridad ang posibilidad na ito lalo at hindi pa nahuhuli ang mga nasa likod ng pagnakaw ng pera ng mga BDO account holder.

“Was the recent hacking of a bank’s computer system a one-off or a dry run? Were the culprits acting on their own, or were they sponsored by a bigger threat actor?” tanong ni Defensor.

Ang pinaka-epektibo aniyang paraan upang maiwasan ang hacking ay tiyakin na mahuhuli at maparurusahan ang mga nasa likod nito.

“Assuming the suspects are planning further attacks elsewhere, then their capture should effectively thwart them,” sabi ni Defensor.

SM food to go Banner Ad

“Until and unless the suspects are apprehended and interrogated in custody, we may never know their real motives, aside from the cybertheft of a few million pesos,” pahayag pa ng kongresista.

Ang malinaw aniya ay napasok ang sistema ng BDO at alam na ng mga hacker kung ilang oras ang kanilang kailangan bago maisagawa ang pagnanakaw at makatakas.

Ang perang kinuha sa mga BDO account ay napunta sa kahina-hinalang account sa Union Bank of the Philippines (UBP) na nasa ilalim ng pangalang `Mark Nagoyo’.

Sa ilalim ng batas, ang mga hacker ay mahaharap sa kasong economic sabotage na may parusang habambuhay na pagkabilanggo at multang hanggang P5 milyon bukod sa pagbabalik ng nakuhang pera.

Nangako ang BDO na ibabalik ang nawalang pera at naglagay na ito ng dagdag na seguridad para maharang ang mga hindi otorisadong transaksyon. (Billy Begas)

Leave A Reply

Your email address will not be published.