Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Nagoyo sa buy bust, 3 pusher laglag

0 284

Kulungan ang bagsak ng tatlong high value individual (HVI) matapos malambat sa ikinasang buy bust operation ng mga tauhan ng station drug enforcement unit (SDEU) at makuhanan ng 70 gramo ng shabu na may street value na P476,000 kamakalawa sa Marikina City.

Nakilala ang mga suspek na sina Ronald David, 45; Rick Falco, 31, at Sharmaine Kate Mantala, 27-anyos, pawang nasa listahan ng HVI ng Marikina Police.

Inaresto ang tatlo alas-10: 50 Biyernes ng gabi sa Malaya St., Barangay Malanday matapos silang makipagtransaksyon sa pagbili ng droga sa isang pulis na umaktong buyer.

Bukod sa nasabing halaga ng shabu nakumpiskarin sa tatlo ang isang digital weighing scale at P500 buy-bust money.

Nakakulong ngayon ang mga suspek sa Marikina detention cell. (Vick Aquino)

Leave A Reply

Your email address will not be published.