Abante Tonite Interactive

Nagoyo sa social media

By
4,494

Dear Atty. Claire,

Magandang araw po sa inyo.

Sabihin na nating naloko ako ng isa na­ting kababayan dahil sa tiwala.

Ito po ang nangyari: May nakilala po ako sa Facebook, at base sa kanyang pakilala ay isa siyang flight ste­wardess ng C.P. at ang pangalan niya ay Princess. Sabihin na nating nagkapalagayan kami ng loob, hanggang sa tumatawag siya sa akin.

Dumating ang pagkakataon na mag-aapply siya sa ibang airlines, (Emirates – Dubai, UAE), at nangangaila­ngan ng financial help. Pinadalhan ko siya through sa uncle daw niya (Anthony Mark Paz) at umabot po ng php110,000.00 ang nahiram sa akin. At sabi ay babayaran din niya kung makuha niya ang last salary niya sa C.P. Ngunit ang nangyari ay blinock na niya ako sa facebook at hindi ko na ma-contact.

Inaamin ko po na naging sira ulo ako at nagtiwala sa tao, dahil akala ko po ay mabuti siyang tao pero hindi pala.

Ano po ang habol ko sa kanya, ni hindi ko po alam kung tunay niyang pangalan at larawan ang mga pinadala sa akin.

May mga resibo po ako na nagpapatunay na pinadala ko ang pera sa kanyang uncle (Anthony Mark).

Salamat po sa inyong sagot.

Frederick

***

Frederick,

Nalulungkot naman ako sa nangyari sa inyo dahil masyado kayong nagtiwala sa pamamagitan lang ng Facebook samantalang hindi mo man lamang nakuha o nalaman kung ito nga ang tunay niyang pangalan. Maraming gumagamit ng ibang identity ang mga manloloko.

Ang gawin mo na lamang ay kumpletuhin mo ang mga facts o record kung saan, kanino at paano mo pinadala ang pera sa ka facebook mo para ma trace kung totoong may tao na ganyan ang pangalan at identity.

Makikita rin natin sa ahensya kung saan mo pinadaan ng pera ang tunay na identity ng taong kumuha ng pera na pinadala mo dahil kumukuha sila ng mga dokumento o ID ng kanilang pagkakakilanlan. Kapag nakuha mo ang identity ng taong nakakuha ng pera mo ay maaari kang magpatulong sa NBI upang ma-trace ang kinaroroonan ng mga nanloko sa iyo at maaari pang masampahan ng Swindling o Estafa.

Pinili ko na ilathala ang kuwento mo upang mabigyan na rin ng warning ang iba na­ting kababayan ng iba’t ibang klase ng panloloko gamit ang social media.

Kung may katanu­ngan pa ay tumawag lamang sa 410-7624 o 922- 0245 o mag-email sa attorneyclaire@gmail.com