Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Nagpa-Lalamove ng marijuana timbog

0 609

Buking ang isang call center agent matapos na magpadeliber sa Lalamove ng marijuana, gamit ang pangalan at address ng kanyang kapitbahay sa Quezon City, nitong Biyernes ng gabi.

Kinilala ang suspek na si Josept Benjamin, 21, ng Brgy. Batasan Hills.

Ayon sa pulisya, bago ang insidente ay nakatanggap ang kapitbahay ng suspek na si Richard Dahilan ng package mula sa Laguna, pero nagtaka ito dahil wala naman umano siyang online transaction.

Matapos ang 30 minuto, dumating si Benjamin sa bahay ni Dahilan at tinanong siya kung may idineliber bang package ang Lalamove sa kanya.

Hiningian umano ni Dahilan ng identification si Benjamin dahil hindi naman niya ito personal na kakilala, pero bigo itong magpakita ng pagkakakilanlan. Nagpasya na siyang buksan ang package at nadiskubre ang marijuana sa loob ng business envelope folder.

Agad dinala ni Dahilan si Benjamin sa Batasan Police Station para maimbestigahan.

Nakumpiska kay Benjamin ang 18 gramo ng marijuana na nagkakahalaga ng P2,160 at ang cellphone na ginamit nito sa pagpapa-book ng iligal na droga sa Lalamove rider.

Wala pang pahayag ang Lalamove hinggil sa insidente. (Dolly Cabreza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.