Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Nagpa-manicure na vendor tinodas

0 119

Patay ang isang 37 anyos na vendor na pinagbabaril habang nagpapa-manicure ng dalawang di nakilalang suspek kahapon sa may Baltazar St., Tondo, Manila.

Hindi na naisalba sa Mary Johnston Hospital si Joselito Katindig, taga-485 Baltazar St. Tondo, Maynila na nasawi dahil sa tinamong mga bala sa katawan.

SM food to go Banner Ad

Naganap ang insidente alas-11:20 ng umaga habang nagpapalinis ng kuko ang biktima.

Inilarawan naman ni PEMS Milbert Pelinggan, imbestigador ng Manila Police District-homicide section, ang suspek na kapwa nakaitim na jacket, helmet at nakasakay sa itim na Honda Click motorcycle na walang plaka.

Sa impormasyong nakuha kay Cesar De Guzman y Dela Cruz, tiyuhin ng biktima, dati na umano itong naaresto dahil sa paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act at ang kapatid nitong si Carla Katindig ay dating karelasyon ni Henry Dimagnaliw, na una nang inaresto ng PDEA dahil rin sa iligal na droga.(Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.