Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Nagpakalat ng fake photo dinemanda: Catriona laban-bawi sa P10M danyos

0 355

Wala pang opisyal na pahayag ang isang publikasyon tungkol sa demand letter ng kampo ni Catriona Gray

Ito’y tungkol sa P10-million at public apology na hinihingi ng 2018 Miss Universe sa isang local tabloid (Hindi Abante /Tonite)na naglabas ng kanyang mga pekeng nude photo sa kanilang Facebook page at website.

“Kakausapin ko pa lang ang lawyer. Ask ko muna kung ano ang advise niya,” sambit ng Entertainment Editor na si Janice Navida.

Nakabitin pa kung lalaban sila sa korte o makikipag-areglo kay Catriona.

Sa nakuhang demand letter ng Tonite , sumulat si Atty. Josabeth ‘Joji’ Alonzo sa nasabing tabloid na nagrereklamo ang beauty queen ng umano’y cyber libel at libel.

Ang naturang artikulo ay lumabas noong July 19 na may pamagat na ‘After ng bantang pasabog ni Clint… Nude photos ni CATRIONA, kalat na!’.

Ayon sa kampo ng beauty queen, libelous ang nasabing artikulo dahil sa pagpo-post ng larawan na screenshot lamang sa isang advertisement para sa isang clothing and lifestyle brand, na sinamahan pa ng edited na topless photo kung saan pinatong umano ang mukha ni Doctrina.

“In cases where obscene images are disseminated, uploaded, or shared through social media accounts, the person or institution that shared it is liable under the law for violation of Cybercrime Prevention Act,”

Saad pa, pinahiya umano ng nasabing tabloid ang pangalan at reputasyon ni Catriona, na kilalang public figure matapos manalo sa Miss Universe.

Dahil dito’y nanghingi ng P10 million na danyos at public apology ang beauty queen mula kina writer Melba Llanera, showbiz editor Janice Navida, at ang Facebook administrator ng tabloid na si John Doe.

Binigyan ng 10 araw na palugit ang naturang pahayagan para matupad ang demand ni Catriona. Kung sakaling hindi ito magawa ay tutuluyang sasampahan ng kaso ang nasabing tabloid.

Leave A Reply

Your email address will not be published.