Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Nagpakilalang NBI agent binitbit

0 64

Inaresto ng mga awtoridad ang isang lalaki na nagpakilalang ahente ng National Bureau of Investigation (NBI) habang armado ng baril at kahina-hinalang umiikot sa isang convenience store sa Quezon City, nitong Martes ng madaling araw.

Ang suspek ay si Antonio Medina De Leon, 52, may-asawa, taga-San Antonio Village, Makati City.

Sa report ni PCpl Allan Cruz, ng Masambong Police Station 2, ng Quezon City Police District, ala-1:55 ng madaling araw nang arestuhin ang suspek sa 7-eleven http://getzonedup.com convenience store sa kanto ng West Avenue at Zamboanga St., Brgy. Nayong Kanluran, sa lungsod.

Related Posts
SM SuperKidsDay Banner Ad

Naispatan umano nina PCpl Windel Degamo at PCpl Lorenzo Rocha Jr. ang suspek sa nasabing convenience store na may nakasuksok na baril sa baywang at kahina-hinalang umiikot kaya sinita at hinanapan ng dokumento ang dalang armas.
Nang walang maipakitang dokumento ay nagpakilala itong isa umanong NBI agent.

Ang suspek ay kinasuhan ng Usurpation of Authority at paglabag sa R.A. 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act.

Nakikipag-ugnayan pa ang QCPD sa NBI kung talagang tauhan nila ito. (Dolly B. Cabreza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.