Abante Tonite Interactive

Nagpakita ng medalyang Recto para sa insentibo

By
765

Malapit na ang 18th Asian Games kaya malamang marami na naman simula sa mga qualifying at international tournament ang inaasahang aasa sa medalyang tubog sa Recto.

Marami na ang nakalusot sa biyaya na bitbit sa napanalunang gintong medalya na hindi nararapat sa nakatakdang makuhang insentibo base sa nakasaad sa batas.

Isa na dito ang hilaw na napanalunang ginto ng Pilipinas sa isang torneo na para sa mga kabataang atleta.

Hindi malinaw kung isang lehitimong event o fun category lamang o kabilang sa demonstration ang napanalunan nito na gintong medalya subalit dahil ginto ang iginawad dito na medalya ay nabiyayaan ito ng milyong insentibo.

Hindi man lamang bineripika o binigyang-pansin man ng mga opisyales kung nakatala mismo sa lehitimong nagwagi ng ginto ang atleta base sa itinatalang nanalo sa medal standings.

Batik sa kasaysayan ng sports kung totoo nga ba na nakapagwagi na ang Pilipinas ng gintong medalya sa kada apat na taon ding torneo o patuloy na nananatiling bokya ang bansa sa lehitimong gintong medalya.

Sino ang atletang ito? May letrang ‘L’ as in loko-loko ang atletang ito.