Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Nagpakulong dumepensa: Lolo na namitas ng mga mangga ayaw mag-sorry

0 187

Nakalaya na ang 80-anyos lolo na nag-viral sa social media na pinakulong dahil umano sa pagpitas ng mangga sa Asingan, Pangasinan.

Mismong mga pulis ang nag-ambagan para makalaya si Lolo Narding Flores na naaresto noong Enero 13, 2022.

Sinabi ni P/Lt. Col. Abubakar Mangelen Jr. sa Tonite na bukod sa Asingan PNP, nagbigay din ng tulong ang mga pulis mula sa National Capital Region (NCR) at ilang pribadong grupo.

Nagpiyansa ng P6,000 si Flores at nakauwi na sa pamilya.

Halos pitong araw din na nakulong si Flores, na sinabing na-miss ang pamangkin.

Bumuhos rin ang tulong kay Lolo Narding para makapagsimula ulit ito.

Ayon naman kay Lt. Charisse Lalas, deputy chief for administration ng Asingan PNP marami ang lumapit sa kanila para magbigay ng tulong nang mag-viral ito.

Pero agad nilinaw ng pulis na naaresto si Lolo Narding noon pang Abril ng isang taon.

Inilabas umano ang arrest warrant dahil hindi nito naasikaso ang kanyang kaso.

Iginiit naman ng nagdemanda na iuurong nila ang kaso kapag humihingi ng dispensa ang matanda. (Kiko Cueto)

Leave A Reply

Your email address will not be published.