Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Nagpakulong sa lolo nagpasaklolo

0 172

Humihingi ngayon ng proteksyon sa pulis si Robert Hong, caretaker na nagpakulong kay Lolo Narding, dahil sa sinasabing pagnanakaw ng mangga.

Aniya, natakot na umano siya para sa kaligtasan ng kanyang pamilya dahil marami na umano ang nagbabanta sa kanila. Pinakiusapan niya ang pulisya na bigyan sila ng proteksyon.

Ayon kay Hong sa ‘Balitang Amianan’, hindi lang 10 kilo ang pinitas ni Narding kundi 10 kaing. May isang saksi na nagpatotoo sa pahayag na ito.

Nilinaw din niyang tatlong beses nagkaroon ng pagdinig sa barangay ang kaso hanggang sa humantong na ito sa korte. Gayunpaman, inatras na aniya niya ang kaso laban sa matanda kaya nagulat na siya nang arestuhin pa rin si Narding ng Asingan Police.

Giit din ni Hong, hindi naman ang matanda ang nagtanim ng puno; pinatira lang umano pansamantala ng may-ari ng lupa ang kamag-anak nito.

Samantala, sinabi ni Narding na handa siyang humingi ng tawad kay Hong dahil sa mga nangyari. (Sherrylou Nemis)

Leave A Reply

Your email address will not be published.