Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Nagpapakasal na Pinoy kumonti – PSA

0 37

Bumaba ang bilang ng mga nagpapakasal sa bansa, ayon sa report na inilabas ng Philippine Statistics Authority (PSA).

Sa datos, may 431,972 rehistradong kasal ang naitala noong 2019, mas mababa ito kumpara sa 449,169 na nairehistrong kasal noong 2018.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Pinakamaraming ikinasal sa buwan ng Disyembre o 12% ng kabuuang kasal noong 2019.

Ginawa ang karamihan ng kasal sa pamamagitan ng civil ceremony na may 38.2%, habang 36.2% sa simbahan; 22.9% sa religious rites; 1.4% ay Muslim tradition at 0.9% ang tribal ceremony.

Pinakamaraming nagpakasal sa Calabarzon, Metro Manila at Central Luzon. (Issa Santiago)

Leave A Reply

Your email address will not be published.