Abante Tonite Interactive

Nagpautang sa panaginip

230

Nanaginip ako na nasa isang handaan daw ako. Kakapusin daw ang handa dahil sa dami ng bisita. Kinausap daw ako ng kapatid ng boss ko at inutangan ng P2,000. Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko?

Ang pera sa panaginip ay simbolo ng power, kayamanan, self-worth, tagumpay at self-confidence. Ang pera ay simbolo ng materyal na ­bagay pero puwede rin namang ­simbolo ito ng kasaganaan sa aspetong ispiritwal, love, sa mga pangarap mo sa buhay at maging sa katalinuhan o wisdom.

Ang panaginip tungkol sa pera ay puwede ring ikonek sa tagumpay na nakakamit mo sa buhay. Kung sa iyong panaginip ay hinawakan mo ang pera, puwede itong ikonek sa sitwasyon mo sa aktuwal na ­buhay kung saan inaaral mo pa kung nasa tamang landas ka patungkol sa iyong mga inaambisyon. Kung binilang mo pa ang perang ipapautang mo, maikokonek naman ito sa creative energy na dumadaloy sa iyong ugat. Ipinapaalalang magagamit mo ito sa kasalukuyan mong sitwasyon.

Ang pera ay nagbibigay ng social status. Kung sa panaginip mo ay may pera kang kaya mong ipautang, indikasyon ito na nagtitiwala ka sa sarili mo, may kumpiyansa at masasabing kuntento sa kalagayan mo sa buhay.

Related Posts

Kung sa iyong panaginip ay hindi ka nagmaramot, positibong indikas­yon ito. Pero kung ikinasama ng loob mo ang pagpapautang, ito ay maituturing na paalala na kung nasa pa­nig mo man ang tagumpay at kasaganaan, hindi ito dapat ipagdamot. Kung may nanga­ngailangan ng iyong tulong, ­huwag itong ipagkait sa kanila.

Kung sa iyong panaginip ay mas binigyan mo ng halaga ang pagtulong kaysa pera, positibo ito dahil sa aktuwal na buhay ay masasabing hindi mo habol ang materyal na bagay sa halip ay mas mahalaga ang kabutihan.

Kung titingnan naman ang simbolismo ng perang ipinautang mo sa iyong panaginip – ang P2,000 – ito naman ang ikinokonek sa hindi pagkakaunawaan. Sa dalawang panig na nagkokontrahan. Maa­aring ang kontrahan ay wala sa pa­ligid mo kundi nasa iyong kalooban. May pagtutol kang nararamdaman sa iyong sarili sa anumang pinagdaraanan mo. Kung ang conflict ay nararamdaman mo naman sa paligid, maaaring nag-uugat ito sa inggit at selos at kumpetisyon kung sino ang higit na nasa power.

Pag-aralang mabuti ang sitwas­yon mo sa kasalukuyan, dito mo higit na matitiyak kung ano ang ipinapaalala sa iyo ng iyong panaginip.

***
DISCLAIMER: Ang DREAM CATCHER ay nagbibigay lamang ng general information tungkol sa mga kahulugan ng ating panaginip. Wala itong kinalaman sa relihiyon, kulto o anumang ispiritwal na aspeto ng buhay. Sa mga gustong isangguni ang kanilang pana­ginip, mag-email sa abantedreamcatcher@gmail.com.